Huli sa operasyon ng mga otoridad ang dalawang tourism student at apat pa nilang kasamahan sa pagbebenta ng marijuana sa operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagpangap na poseur buyer sa Barangay Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon kay PMAJ. George Maribbay, hepe ng Bayombong PNP na nahuli matapos magbenta ng dalawang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana ang suspek na si Christian Joy Del Rosario, 20-anyos, 1st year tourism student, residente ng Barangay San Nicolas, Bayombong.
Sa isinagawang body search, nakumpiska pa mula sa pag-iingat ng suspek ang tatlong piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana.
Narekober pa sa sasakyan nito ang pitong pakete ng dried marijuana leaves, isang improvised glass tobacco, limang bote ng alak at drug paraphernalia.
Kasama din sa mga naunang nahuli ang tatlong kaibigan ng suspek na sina Mary Keitlin Collado, 18-anyos, 1st year BS Tourism student at residente ng Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya; Joel Cacal, 22-anyos, fast food crew; Serge Adamin Sicat, 22-anyos ALS student at Nckaill Martinez, 22-anyos, self employed na pawang mga residente sa bayan ng Bayombong.
Nabatid na kabilang sa PNP/PDEA Priority 10 Target List o High Value Target si Delsosario habang naaresto si Sicat noong Hulyo 2019 dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga subalit nakalaya noong December 2019 sa pamamagitan ng Plea Bargaining Agreement.
Kasunod ng pagkaka-aresto ng limang suspek noong gabi ng April 27, sinabi ni Maribbay na nahuli ngayong araw sa follow up-operation ng mga otoridad ang isa pa nilang kaibigan na kinilalang si Andrei Dela Cruz, 18-anyos, dating drug surenderee ng Barangay Magsaysay matapos bentahan ng isang heat sealed transparent sachet ng marijuana leaves ang nagpanggap posuer buyer.
Nasampahan na ang mga naunang nahuling suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustodiya ng pulisya at dagdag na kaso sa paglabag sa RA 11332 dahil sa paglabag sa quarantine protocol.