
Naitala ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang dalawang kaso ng sugat na sanhi ng paputok sa mismong araw ng Pasko, December 25, 2025.
Ayon kay Dr. Cherry Lou Antonio, Medical Center Chief, isang 13 anyos mula Tuguegarao City ang nagtamo ng sugat sa kamay matapos gumamit ng whistlebomb.
Wala namang malubhang pinsala, at agad itong nilinis at binigyan ng anti-tetanus injection.
Samantala, isang 8 anyos, kapwa mula Tuguegarao City, ang mas malubha ang pinsala matapos ding gumamit ng whistlebomb.
Wasak ang kanyang kanang kamay at agad dinala sa operating room para sa operasyon at amputation ng ilang daliri.
Batay sa imbestigasyon, hawak umano ng biktima ang paputok nang biglang isinindihan ng kasama kaya pumutok ang whistlebomb.
Bukod dito, naiulat ang 66 kaso ng road traffic injuries mula December 21 hanggang 25.
Karamihan sa mga nasugatan ay nasa edad 19 hanggang 59 at mga lalaki.
Patuloy ang paalala sa publiko na maging maingat sa paggamit ng paputok at sa kalsada ngayong holiday season.










