Photo credit: Cagayan Valley Medical Center

TUGUEGARAO CITY-Personal na dinala ng mga tauhan ng United State (US) Embassy ang dalawang units ng Intensive care Unit(ICU) beds para sa covid war ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC, malaking tulong ito lalo na ngayong mataas pa rin ang bilang ng mga nagpopositibo sa covid-19 na dinadala sa pagamutan.

Nag-ikot rin umano ang mga tauhan ng US embassy sa loob ng pagamutan at tinignan ang iba pang kailangan ng ospital kung saan kanilang tiniyak na muli silang babalik para magbigay ulit ng mga kagamitan na kakailanganin sa loob ng CVMC.

Bukod dito, nagbigay rin ng limang air coolers si Cagayan governor Manuel Mamba na gagamitin sa mga ipinatayong tent sa labas ng covid ward na pinaglalagyan sa ibang mga pasyente.

Nagpaabot rin si Tuguegarao City Vice mayor Buenvenido De guzman ng food packs para sa lahat ng mga frontliners.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ni Baggao sa lahat ng mga nagbigay ng tulong at sa mga patuloy na pagbibigay suporta sa pagamutan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, bahagyang bumaba ang bilang ng mga covid-19 patients na kanilang minomonitor na nasa 260 indibidwal mula sa 284 nitong araw ng Martes.

Sinabi ni Baggao na mula sa nasabing bilang, 245 ang kumpirmadong kaso kung saan 228 ay mula sa Cagayan at ang lungsod ng Tuguearao ang may pinakamarami na umaabot sa 165 habang 13 naman sa Isabela, isa sa Bayombong, Nueva Vizcaya at tatlo sa Tanuk City, Kalinga.

Inaasahan naman na maipapasok na sa loob ng covid ward ang 16 na indibidwal kasama na ang pitong positibo sa loob ng pagamutan matapos bumaba ang bilang nga kanilang mga inaasikasong pasyente.