Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, target ng House of Representatives na maipasa ang dalawang priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC

Kabilang dito ang National Land Use Act na layong maglatag ng malinaw na plano sa paggamit ng lupa sa bansa, at ang amendments sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para palakasin at palawakin pa ang social protection program ng gobyerno.

Sinabi ni Marcos na hindi na ito simpleng panukala lamang dahil ilang bahagi nito ay umusad na sa Kongreso at kailangan na lang ng tuloy-tuloy na pagtatrabaho sa plenaryo para maipasa bago ang adjournment.

Dagdag niya, 18 sa 52 priority measures ng administrasyon ang naipasa o nausad na bago ang Holy Week break.

Ayon pa sa House leadership, tututukan din nila ang mga panukalang makakatulong sa publiko sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.

-- ADVERTISEMENT --

Tinatayang tataas pa ang presyo ng gasolina at diesel sa mga susunod na araw, ayon sa industry source.