Nagsuntukan ang dalawang mambabatas ng Turkey matapos ang debate sa mga kasamahan nilang miyembro ng opposition.
Nangyari ang insidente habang nagtatalumpati si Workers’ Party of Turkey (TIP) Ahmet Sik ng biglang atakihin ni AK Party lawmaker Alpay Ozalan.
Pinagtalunan nila ang kapwa mambabatas na nakakulong na si Can Atalay na hinatulan ng 18 taon na pagkakakulong noon pang 2022 dahil sa pangunguna ng kilos protesta.
Matapos ang insidente ay inawat ng mga mambabatas ang kapwa nilang mambabatas.