Patuloy na inoobserbahan ang dalawang indibidwal mula sa Region12(SOCCSKSARGEN) na nakitaan ng mga sintomas na kahalintulad ng mpox.

Ang mga ito ay nakitaan ng pantal, pabalik-balik na lagnat, ubo, atbpa.

Agad namang nagsagawa ang Deparment of Health Region 12 ng mga serye ng contract tracing at natukoy ang mga nakasalamuha ng mga biktima bago sila na-confine sa isang isolation facility sa Region 12.

Ang mga natukoy na close contact ay patuloy ding inoobserbahan ng mga local health officials.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inoobserbahan ang kalagayan ng dalawang pasyente habang naipadala na rin ang kanilang mga blood sample sa Research Institute for Tropical Medicine para sa kaukulang pagsusuri.

-- ADVERTISEMENT --