
Dead on the spot ang dalawang lalaki samantalang apat na iba pa ang nasa ospital ngayon matapos silang makuryente habang nagtatrabaho sa isang under construction warehouse sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte.
Ayon sa Currimao Municipal Police Station (MPS), ang dalawang nasawi ay edad 45 at 47, parehong walang asawa at residente ng naturang bayan.
Nasa ospital naman ang kanilang tatlong kasamang lalaki at isang babae, pawang nasa legal na edad at mga residente rin ng Currimao.
Sa imbestigasyon, magkakatulong na binuhat ng mga biktima ang 4-layered scaffolding upang ilipat ng lugar nang bigla itong matumba at sumabit sa 3-phase primary line (live wire).
Dahil dito, nakuryente ang anim na biktima na ikinasawi ng dalawa sa kanila.
-- ADVERTISEMENT --










