Dalawa ang iniulat na patay habang pito ang sugatan sa pamamaril sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato nitong Biyernes ng tanghali.

Ayon sa paunang impormasyon mula sa South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nangyari ang insidente bandang alas-1:18 ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi ang sinasabing gunman.

Dahil sa insidente, agad na sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa buong bayan ng Banga.

Samantala, sinabi ng Department of Education o DepEd na nakikipag-ugnayan na ito sa mga awtoridad para beripikahin ang mga detalye at magbigay ng kinakailangang tulong sa mga naapektuhan.

-- ADVERTISEMENT --