TUGUEGARAO CITY-Nasa dalawang katao na lamang umano ang inoobserbahan sa magkaibang pagamutan sa Region 2 na Person Under Investigation (PUI) ng coronavirus disease 2019 (covid-19).

Ayon kay Pauline Atal ng Department of Health (DOH)-Region 2, mula sa Naguilian, Isabela ang isa kung saan kasalukuyang inoobserbahan sa Southern Isabela Medical Center habang ang isa naman ay mula sa Santa Fe, Nueva vizcaya na inoobserbahan naman sa Region 2 Trauma and Medical Center.

Aniya, Enero 27, 2020 dumating sa bansa ang PUI ng Naguilian, Isabela mula sa Hongkong at na admit ito sa pagamutan nitong Pebrero 15, 2020 matapos makitaan ng sintomas ng Covid-19 habang ang isa ay nanggaling naman sa Taiwan.

Sinabi ni Atal na mula Enero 31,2020 hanggang sa kasalukuyan ay umabot sa 33 na PUIs ang kanilang inobserbahan sa Region 2 kung saan 31 dito ay nadischarge na matapos magnegatibo sa nasabing virus.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Atal ang mga mamamayan na kakauwi lamang sa Pilipinas na mula sa mga bansa na may positibo ng covid-19 na dumaan sa 14 days na quarantine para masiguradong hindi nahawaan ng nasabing virus.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Pauline Atal