Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na tatanggalin sa serbisyo ang dalawang pulis at ang kanilang mga commander matapos makita sa viral video na kasama sila ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte habang inaasunto ang isang lalaki sa isang bar sa Davao City.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Marbil, hindi awtorisado ang dalawang pulis na magsilbi kay Duterte at pumasok sila sa tinatawag na “moonlighting” o pagtratrabaho sa labas ng kanilang tungkulin nang walang pahintulot.

Sinuko na umano ng mga pulis ang kanilang baril at ID ngunit nag-AWOL (absent without official leave) din sila.

Kasama rin sa tatanggalin sa serbisyo ang kanilang mga commander dahil sa pagkabigong bantayan at i-account ang kanilang mga tauhan.

Bukod sa administrative sanction, haharap ang dalawang pulis sa kasong dishonesty na maaaring humantong sa habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --