
Patay ang dalawang pulis at isang empleyado ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos ang pamamaril sa Barangay Irawan sa Puerto Princesa City, Palawan nitong gabi ng Biyernes Santo, Abril 3.
Ayon sa mga residente, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga pulis at ilang tambay bandang alas-9:40 ng gabi. Umalis umano ang mga pulis ngunit bumalik kasama ang backup.
Dito nagkaroon ng panibagong komprontasyon na nauwi sa barilan, na ikinasawi ng tatlong biktima.
Kinilala ang mga nasawi na sina Police Staff Sergeants Ryan Cris Cabaña at Jayson Fernandez mula sa Puerto Princesa City Police Station 2, at si Jerson Ojario Talon na empleyado ng BuCor.
-- ADVERTISEMENT --










