
Nasawi ang dalaw3ang security guard matapos pagbabarilin sa loob ng isang car dealership sa Commonwealth Avenue, Barangay North Fairview, Quezon City, noong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente bandang alas-2:10 ng hapon.
Agad na rumesponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, ang motibo sa pamamaril, at kung may iba pang sangkot sa krimen.
Sinusuri rin ang mga kuha mula sa CCTV cameras, kinokolekta ang mga ebidensiya sa lugar, at iniinterbyu ang mga saksi upang mabigyang-linaw ang insidente.
-- ADVERTISEMENT --










