Iprinisenta ni Vatican’s Cardinal Secretary of State Pietro Parolin, na namuno sa cardinal electors, ang dalawang uri ng sulat mula sa pumanaw na lider ng Simbahang Katolika na si Pope Francis kay convicted Cardinal Angelo Becciu.
Dito, pinagbawalan si Becciu na makilahok sa nalalapit na conclave o pagtitipon ng mga Cardinal para maghalal ng susunod na Santo Papa.
Base sa report mula sa isang Italian newspaper, dala ni Cardinal Parolin ang mga sulat na may lagda ng yumaong Santo Papa na may initial na “F”.
Ang isa sa mga sulat ay mula noong 2023 at ang isa naman ay mula noong nakalipas na buwan habang dumaranas ng karamdaman ang late pontiff.
Bago ilabas ang naturang mga sulat mula sa Santo Papa, una ng dinemand ni Becciu na may karapatan siyang dumalo at bumoto sa conclave.
Sa isang panayam sa Cardinal noong Abril 22 isang araw matapos ang pagpanaw ng Santo Papa, sinabi niyang kinilala ng yumaong Santo Papa na hindi nababago ang kaniyang cardinal prerogatives dahil walang explicit will ang nagbabawal sa kaniyang lumahok sa conclave o mag-request para sa kaniyang explicit renunciation na nakasulat.
Matatandaan. sinentensiyahan si Becciu noong Disyembre 2023 ng limang taong pagkakakulong dahil sa embezzlement o paglustay ng pera at fraud.
Siya ang kauna-unahang senior official ng Simbahang Katolika na humarap sa isang trial sa Vatican criminal court.