TUGUEGARAO CITY-Isinailalim sa Zonal Containment Strategy ang dalawang zone sa Barangay Dalla, Baggao, Cagayan matapos makapagtala ng apat na aktibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (covid-19).

Sa bisa ng Executiv order no.1 series of 2021, ipinatupad ang zonal lockdown sa zone 6 at 7 ng nasabing Barangay.

Nagsimula ang zonal lockdown nitong Enero 4 na magtatagal hanggang ika-17 ng kaparehong buwan taong 2021.

Ipapatupad ang curfew hour mula alas sais ng gabi hanggang alas sais ng umaga sa nasabing lugar maliban na lamang sa mga emegency.

Hindi naman maaring magbukas ang lahat ng mga establishimento sa mga nasasakupang lugar ng zonal containment sa oras ng curfew hour.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon,nakatutok ang mga miembro ng kapulisan sa mga entry at exit point ng lugar para matiyak na walang makakapasok at makakalabas para maiwasan ang pagkalat ng virus.