Muling binuksan ng bayan ng Kalayaan sa Palawan ang turismo sa Pag-asa Island, ngunit sa bagong konsepto na tinaguriang “patriotic tourism”, layong hikayatin ang mga Pilipino na maranasan ang ganda ng isla at sabay na palalimin ang pagpapahalaga sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Ang isla ay kilala sa puting buhangin, malinaw na tubig, at tahimik na kapaligiran na halos walang polusyon mula sa ilaw at ingay.

Bukod sa pagkakataong makapag-relax, layunin ng programa na turuan ang mga bisita tungkol sa kahalagahan ng Pag-asa Island sa pambansang teritoryo.

Sa ilalim ng programa, inaasahang makakaranas ang mga turista ng kakaibang karanasan sa kalikasan habang natututo tungkol sa kasaysayan at papel ng isla sa pagtatanggol ng soberanya ng Pilipinas.