Iginiit ng Malacañang na ang natanggap ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ang 2026 proposed budget at hindi ang umano’y “Cabral files” na naglalaman ng listahan ng mga questionable allocations para sa 2025.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala ring nakakita o nag-authenticate ng naturang dokumento, kabilang si DPWH Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Castro, makikita sa email exchanges at mga liham ni Leviste na ang files na kanyang natanggap ay kaugnay sa 2026 budget.

Sinabi naman ni Leviste na nakuha niya ang mga ito mula kay Usec. Maria Catalina Cabral, sa pahintulot umano ni Dizon, matapos ipakita sa kanya ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan ang isang hard copy ngunit hindi pinayagan na kunin.

Patuloy na pinagtatalunan ang pinagmulan at kredibilidad ng “Cabral files,” habang nananatiling panawagan ang pagbabalik ni Bonoan sa bansa upang linawin at panagutin ang mga may alam sa usapin.

-- ADVERTISEMENT --