Isang 21-anyos na lalaki ang umamin sa pagpatay sa apat na katao, kabilang ang magkapatid na Filipino-American, sa isang bahay sa Lancaster, Los Angeles County, California.

Si Miguel Diego Sandoval ay umamin sa apat na counts ng first-degree murder kaugnay ng pagpatay kina Christine Aca-ac, 25, Janvi Maquindang, 21, Edwin Garcia, 24, at Matthew Montebello, 21, noong Nobyembre 16, 2024.

Ayon sa mga prosekutor, isinagawa ni Sandoval ang krimen bilang paghihiganti matapos magtapos ang kaniyang romantikong relasyon sa kapatid nina Aca-ac at Maquindang.

Matapos barilin ang apat na biktima, sinunog din umano niya ang bahay bago tumakas.

Nahaharap din siya sa mga kasong attempted murder, residential burglary, arson, animal cruelty at child abuse.

-- ADVERTISEMENT --

Nakatakda siyang hatulan sa Nobyembre 17 at inaasahang makukulong nang habambuhay nang walang posibilidad ng parole.