TUGUEGARAO CITY-Nasa 21 confirmed cases ng coronavirus disease 2019 (covid-19) ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC, mula sa nasabing bilang 17 ay mula sa Cagayan at apat sa Isabela.
Sa Cagayan, 12 dito ay mula sa lungsod ng Tuguegarao partikular sa Barangay Caritan Norte na may dalawang kaso,dalawa rin sa Tanza at tig isa sa Barangay Buntun, Centro 9, Centro 1,Atulayan Norte, Atulayan Sur , Ugac Sur, Caritan Centro at Cataggamman Nuevo.
Karagdagang dalawang kaso ay mula sa Barangay Dugo, Camalanuigan at tatlo sa Solana kung saan dalawa ay mula sa Barangay Centro at isa sa Brgy. Nangalisan.
Bukod dito, 11 suspect cases din ang kasalukuyang minomonitor sa naturang pagamutan kung saan pito ay mula sa Cagayan at tatlo sa Isabela.