Umaabot sa 226 na katao ang namatay bunsod ng malawakang pagbaha sa Myanmar sa pananalasa ng bagyong Yagi.
Kasabay nito, nagbabala ang United Natios na aabot sa 630,000 na katao ang nangangailangan ng tulong.
Nanalasa ang bagyong Yagi sa northern Vietnam, Laos, Thailand at Myanmar na may dalang malalakas na hangin at mga pag-ulan na nabunsod ng mga pagbaha at landslides na kumitil sa buhay ng mahigit 500.
Kinumpirma ng State TV ng Myanmar ang pagkamatay ng 226 na katao, kung saan 77 ang nawawala.
Halos 260,000 hectares din ng mga palay at iba pang pananim ang nasira dahil sa pagbaha.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon sa UN, higit na kailangan ngayon ng mga apektadong mga mamamayan ng mga pagkain, inuming tubig, shelter at mga damit.