Umaabot na sa 235 firework-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) sa buong bansa mula December 21 hanggang ngayong araw na ito, January 1, 2026.

Ayon sa DOH, ito ay mababa ng 42 percent sa naitalang 403 cases sa parehong panahon nitong nakalipas na taon.

Sinabi pa ng ahensiya na ang 62 sa nasabing mga kaso ang naitala nitong bisperas ng bagong taon.

Batay sa nakalap na datos, 161 sa mga biktima ay 19 taong gulang at pababa.

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, inaasahan ang final report sa tally ng FWRIs sa unang linggo ng taong ito.

-- ADVERTISEMENT --

Ang datos para sa tally ay nakalap sa 62 DOH sentinel hospitals.