Isinailalim sa deportation ang 24 Filipinos dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa illegal activities sa United States, ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.
Sinabi ni Romualdez, ang mga nasabing Pinoy ay sangkot umano sa ilang criminal activities, bagamat hindi naman ito itinuturing na serious offenses.
Kasabay nito, muling tiniyak ng ambassador ang pagtutok sa sitwasyon ng mga undocumented Filipino immigrants, kung saan ipinunto niya na may ilang employer ang nangako na pananatilihin ang kanilang mga manggagawang Pinoy at tinutulungan sila na makakuha ng legal status.
Una rito, sinabi ni Romualdez na ang prayoridad ng US government na ipapa-deport ay ang mga tao na may criminal records, kasama ang 1.3 million immigrants na naproseso na ang kanilang mga dokumento.
Pinayuhan naman ng Department of Foreign Affairs ang mga Filipino immigrant na panatilihin ang “low profile” at ipagpatuloy ang kanilang pagkuha ng legal status sa US.
Ayon sa kanya, ang mga immigrant na target para sa deportation ay may legal options na labanan ang desisyon at mananatili sa US sa loob ng ilang buwan.