
Nasa 204 na bangkay na ang narekober matapos ang pagbagsak ng pampasaherong eroplano sa Ahmedabad, western India.
Ayon sa mga otoridad ng India na isang pasahero ang nakaligtas na isang Briton sa kabuuang 242 katao na nakasakay sa Air India na patungo sa London.
Mayroong kabuuang 169 na Indian nationals, 53 Britons, pitong Portuguese nationals at isang Canadian ang lulan ng nasabing eroplano na isang Boeing 787-8 Dreamliner.
Patungo na sa India ang mga US Investigators para tumulong sa imbestigasyon.
Habang tiniyak naman ng Airline companies na hindi nila pababayaan ang mga biktima.
Magugunitang patungo sa London ang eroplano nang ito ay bumagsak ilang minuto matapos ang take-off at tumama ito sa isang gusali kung saan nakatira ang mga doctors sa Ahmedabad, India.
Iniimbestigahan na kung ano ang sanhi ng nasabing trahedya.
Batay sa espekulasyon ng aviation experts na posibleng dahilan ng pagbagsak ng eroplano ay hindi madalas na nangyayari na double engine failure.
Ito ay dahil sa makikita sa footage na mababa ang lipad ng eroplano at nasa himpapawid ng 30 segundo.
Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang piloto na kumilos kung nagkaroon ng pagkasira ng dalawang engine.
Isa pa sa posibleng dahilan na inilutang ng mga eksperto sa India ay bird strike dahil sa madalas umano ang mga ibon sa nasabing paliparan.
May hinala din ang iba pang eksperto na posibleng hindi pinagana ang flaps ng eroplano sa take-off, bagamat ito ay hinamon ng ilang pilot analysts.