TUGUEGARAO CITY-Idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing program ang 26 barangay dito sa probinsya ng Cagayan na drug cleared Barangay.
Ayon kay Joel Plaza, Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagkaroon ng deliberation sa pangunguna ng naturang ahensya na siyang chairman ng komite at iba’t-ibang tanggapan na miembro nito kung saan nakapasa ang 26 na barangay.
Aniya, isang barangay na kinabibilangan ng Brgy. Minanga Sur ang naideklarang drug cleared sa bayan ng Iguig, apat sa Baggao na kinabibilangan ng Brgy. Asinga Via, Taguing, Taguntungan at Taytay.
Habang 21 naman sa bayan ng Gattaran na kinabibilangan ng Barangay Abra, Aguiguican, Baraoidan, Capiddigan, Capissayan Sur, Centro Norte (Poblacion), Cumao, Guising, Nabaccayan, Nagatutuan, Nassiping, Newagac, Palagao Sur, Piña Este, Piña Weste, San Carlos (Provisionally cleared), San Vicente, T. Elizaga, Tagumay, Tanglagan at Tubungan Este.
Sinabi ni Plaza na naging basehan ng kanilang ahensya para makamit ang drug cleared Barangay ay ang pagkakaroon ng Barangay Anti-drug abuse council na siyang tumutulong sa mga otoridad laban sa illegal na droga.
Bukod dito, nagsasagawa rin ang mga Barangay ng anti-drug awareness program, pagkakaroon ng rehabilitation desk at marami pang iba.
Kaugnay nito, umaaasa si Plaza na mapapanatili ng mga nasabing barangay ang pagiging drug cleared.