Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang tatlong katao na nahuli sa buybust operation sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ang mga suspek ay pawang mga nasa tamang edad at residente mula sa Bambang at Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya ang dalawa na kapwa mga tokhang responders habang ang isa na newly identified ay mula sa Alfonso Lista, Ifugao.

Ayon kay PMAJ Novalin Agasid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ang mga suspek ay magkakasama sa isang bahay-paupahan sa bayan ng Bambang at nang mahuli ay kasalukuyan ang kanilang pot session kung saan nakisali ang asset.

Bukod sa isang plastic sachet na nabili ng posuer buyer ay nakuha rin sa kanilang disposisyon ang tatlo pang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2K.

Sa ngayon ay natukoy na ng pulisya ang pinagkukunan ng mga suspek ng illigal na droga mula sa NCR.

-- ADVERTISEMENT --