TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o anti illegal gambling law ang tatlong katao kabilang ang dalawang benipisaryo ng Social Amelioration program (SAP) ng DSWD o Deparment of Social Welfare and development nang maaktuhang nagsusugal sa bayan ng Solana, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Amelia Flores, 45-anyos, Efren Almaldez, 66-anyos, kapwa benipisaryo ng SAP na residente ng Barangay Purog-purog at Beejay De Guzman, 23-anyos ng Brgy. Ubong.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang PNP-Solana sa ginagawang pagsusugal ng mga suspek sa bahay ni Flores.

Agad namang nirespondehan ang naturang report kung saan naaktuhang naglalaro ng “tong-its” ang tatlong katao.

Nakuha sa tatlong suspek ang isang set ng playing card at P265 na bet money.

-- ADVERTISEMENT --