TUGUEGARAO CITY-Sugatan ang tatlong katao kasama ang dalawang menor-de-edad matapos ang karambola ng tatlong sasakyan ng bayan ng Solana, Cagayan.

Ayon kay Police Staff Sergeant Rowel Siwagan, imbestigador ng kaso, magkasunod na binabaybay nina John Paul Lucielo Bermudez, 25-anyos at Gilbert Vea ang kahabaan ng Brgy General balao lulan ng kani-kanilang mga sasakyan.

Aniya, nag-overtake si Vea sa sasakyan ni Bermudez ngunit hindi nito napansin ang kasalubong na pampasaherong van na minaneho naman ni Valquelie Sumarita.

Dahil dito,nagbanggaan ang dalawang sasakyan na dahilan nang pagkawala ng kontrol sa manebela ni Vea at muling bumangga sa sasakyan ni Bermudez.

Nagtamo ng sugat si Angela Vea, 21-anyos na lulan sa sasakyan ni Gilbert at ang magkapatid na sina Janine rose,1-anyos at James russel Tabbu, 8-anyos na lulan naman sa sasakyan ni Bermudez.

-- ADVERTISEMENT --

Maswerte namang walang tinamong sugat ang mga drivers maging ang mga pasahero ng pampasaherong van.

Sa ngayon, nagpapagaling na ang tatlong sugatan habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa nasabing insidente