Nasagip ang tatlong lalaki matapos tumaob ang kanilang bangka malapit sa Palattao Bridge sa Barangay 2, Enrile, Cagayan, nitong Sabado.
Ayon kay Mayor Miguel Decena Jr., tumawid ang magkakamag-anak upang isalba sana ang kanilang mga aning mais na inabot ng baha.
Bagaman pinagbawalan na umano sila ng mga tanod dahil sa malakas na agos ng tubig, nagpumilit pa rin silang tumawid.
Sinabi ni Decena na isa rin sa nakikitang dahilan ng pagtaob ng bangka ay dahil overloaded ito ng mais.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP at MDRRMO upang sagipin ang mga biktima.
-- ADVERTISEMENT --
Nagtamo ng minor injuries ang dalawang biktima at agad na nilapatan ng lunas ng mga frontliner.