Bibigyang ng pangalan ng bansa ang mahigit 100 na island features sa layunin na mapalakas ang soberenya sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, kabilang ang mga inaangkin ng China.

Ang features na bibigyan ng pangalan sa ilalim ng executive order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kasama sa Spratly archipelago, ang lugar kung saan may paulit-ulit n komprontasyon sa pagitan ng mga barko ng bansa at China.

Inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan maging ang mga paaralan na gamitin ang mga bagong pangalan, na ilalabas sa susunod na mga araw.

Ipinag-utos din sa executive order sa mapping agency na i-publish ang updated charts sa nasabing lugar.

Nag-aagawan ang Pilipinas at China, maging ang Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam sa mga lugar sa South China Sea, lalong-lalo na sa Spratlys, na pinaniniwalaan na mayaman sa langis at gas resources.

-- ADVERTISEMENT --