Nasawi ang tatlong lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang teenager ang Islamic Center of San Diego sa California nitong Lunes, ayon sa pulisya.

Kabilang sa mga nasawi ang isang security guard ng mosque. Kalaunan, natagpuan ding patay ang dalawang suspek, edad 17 at 19, na pinaniniwalaang nagpakamatay gamit ang baril.

Ayon kay San Diego Police Chief Scott Wahl, naganap ang pamamaril ilang minuto bago magtanghali. Agad namang naitala at natiyak na ligtas ang lahat ng batang nasa day school na bahagi ng Islamic center.

Tinuturing ng mga awtoridad na posibleng hate crime ang insidente kaya nakikiisa na rin sa imbestigasyon ang Federal Bureau of Investigation o FBI, bagama’t wala pang opisyal na motibong inilalabas ang mga imbestigador.

Nangyari ang pag-atake isang linggo bago ang pagdiriwang ng Eid al-Adha at taunang Hajj pilgrimage ng mga Muslim sa Mecca, Saudi Arabia.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Taha Hassane, labis nilang ikinagulat ang trahedya.