Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros ng agarang pagpapalaya kay Mark Mabasa, anak ng pinaslang na radio broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Hontiveros, si Mabasa ay nakakulong ngayon sa US Immigration and Customs Enforcement (ICE) agents sa California para sa rason na hindi pa tuluyang binabanggit.

Ang bagay na ito ay kinondena naman ng senadora dahil hindi umano katanggap-tanggap ang pagkulong sa isang indibidwal na walang malinaw na rason habang humihiling ito ng asylum.

Anya, matagal tagal na ring nag-apply ng asylum si Mark at ang iba pang miyembro ng pamilya nila matapos ang katakot-takot na death threats na natanggap ng mga ito sa Pilipinas.

Kaugnay nito, humihiling ang senadora sa gobyerno na tulungan ito upang makalaya ito nang agaran.

-- ADVERTISEMENT --

Maalala, noong 2022, isiniwalat ni Hontiveros sa isang press conference na nakakatanggap ng death threats mula sa hindi kilalang caller ang Mabasa family.