Tuguegarao City- Huli ang tatlong pampasaherong tricycle sa lungsod ng Tuguegarao matapos ang hindi pagsunod sa ipinatutupad na color coding system sa pamamasada.

Ito ay kaugnay sa istriktong implementasyon ng ipinalabas na Executive Order ni City Mayor Jefferson Soriano upang ayusin ang sistema ng pamamasada ng mga tricycle sa lungsod.

Sa panayam kay Vince Blancad, head ng POSU Tuguegarao, makukuha lamang ng mga may-ari ang mga impounded tricycle pagkatapos ng general community quarantine.

Paliwanag nito, kailangang higpitan nila ang pagpapatupad ng mga alituntunin ng pamamasada upang malabanan pa rin ang pagkalat ng virus.

Sa ngayon ay patuloy aniya ang kanilang monitoring upang matiyak na masusunod ang mga guidelines na ipinatutupad sa pamamasada.

-- ADVERTISEMENT --

Mababatid na araw ng lunes (May 18) ng unang ipatupad ng LGU Tuguegarao ang mahigpit na implementasyon ng color coding system sa pamamasada ng mga tricycle sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa ilalim nito ay nakasaad na maaaring mamasada ang mga tricycle na may green cases sa araw ng Lunes; Blue, Martes; Red, Miyerkules; Orange, Huwebes; Yello, Biyernes.

Sa araw mga araw naman ng Sabado at Linggo ay nakadepende ito sa case body number ng tricycle kung saan ang mga may 1-5 ending number ay maaaring lumabas ng Sabado habang 6-0 ang maaaring mamasada tuwing araw ng Linggo.