TUGUEGARAO CITY-Tatlo ang patay habang 10 ang sugatan sa pagbaliktad ng van sa Sitio Lonnog, Brgy. Mabaca, Tanudan, Kalinga kagabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Roderick Sucliyao, Marcelina Dupagan Sapon at Cresencia Cayangao, pawang mga guro.

Ang mga sugatan naman ay sina Ralyn Lugao Dao-ayan, James Ballay Abuwak, Fernando Salvador Ducasao, Arian Kathlyn Dulanao, Leonida Abuwak Puctiyao, Hubert Abuwak, Francisca Dangpason Addagan, Nathaniel Dalanao Jr., at ang driver na si Jay-ar Ducasao.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCOL Job Russel Balaquit, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office,patungo umano ang naturang grupo sa Bulanao, Tabuk City upang dumalo sa Bodong Festival kasabay ng founding anniversary ng Kalinga.

Ayon kay Balaquit, nawalan ng kontrol sa manebela ang driver sa pababa at pakurbadang bahagi ng kalsada na dahilan para bumaliktad ang sasakyan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.