
Tatlong katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na bata, ang nasawi sa banggaan ng motorsiklo at pribadong sasakyan sa Maramag, Bukidnon.
Sa imbestigasyon, liliko na sana ang motorsiklo sa Barangay Panadtalan nang mabangga ito ng isang umano’y mabilis na sasakyang nasa likuran. Dahil sa lakas ng salpukan, tumilapon ng halos 15 metro ang rider at ang kanyang anak na lalaki na kapwa namatay sa ospital.
Nasawi rin ang isang pasahero ng pribadong sasakyan. Samantala, sumuko makalipas ang ilang oras ang driver na unang tumakas sa insidente at nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at damage to property. Wala pa itong inilalabas na pahayag.










