Kabuuang 317 na mga bagong sundalo ang nagtapos sa kanilang pagsasanay sa ilalim ng pamamahala ng 5th Star Infantry Division Philippine Army sa Upi Gamu,Isabela.

Ang mga nagtapos na sundalo mula Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga at Ifugao ay kabilang sa ALIBTAK class of 2019 ay dumaan sa anim na buwang pagsasanay bilang karagdagang pwersa ng militar sa bansa.

Sa kanyang talumpati bilang pangunahing pandangal, hinimok ni Most Rev Prudencio Andaya ng Apostolic Vicar of Tabuk ang mga nagtapos na magsilbi sa bayan at Panginoon.

Hinamon rin niya ang mga bagong sundalo na maging huwaran habang ginagampanan ang tungkulin tungo sa kapayapaan.