Photo Credit: DA Region 2

TUGUEGARAO CITY-Namahagi ng 33 alagang baka ang Department of Agriculture (DA)-Region 2 sa mga magsasaka sa bayan ng Enrile,Cagayan.

Ito ay bilang tulong sa mga magsasaka na labis na naapektuhan ng bagyong Ulysess nitong nakaraang taon.

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ni Enrile Mayor Miguel Decena sa naturang ahensya sa ipinamahaging tulong sa kanyang mga residente dahil malaking tulong ito para sa kanila.

Ang naturang bayan ang unang nabigyan ng mga alagang baka sa probinsya ng Cagayan kung saan kanila pa itong ipagpapatuloy sa mga susunod na araw sa ibang bayan.

Nabatid na nasa 216 ang kabuuang bilang ng mga alagang baka ang ipapamahagi ng DA sa mga benipisaryo sa buong probinsya.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna na ring nabigyan ng kahalintulad na tulong ang probinsya ng Isabela, Quirino at Nueva Vizacaya.