TUGUEGARAO CITY-Asahan ang mainit na temperatura ngayong araw sa Tuguegarao City

Sinabi ni Lito Aquino ng PAG-ASA,aabot hanggang sa 39 degrees celcius ang temperatura sa lungsod ngayong araw habang ang heat index ay tinatayang nasa 42 degrees celcius na maituturing ng dangerous level

Ayon kay Aquino, ang temperatura kahapon sa Tuguegarao ay 38.5 degrees celcius habang ang heat index ay 41 degrees celcius

Ang Tuguegarao ang isa sa pinakamainit na lugar sa buong Pilipinas tuwing summer

44 degrees celcius ang naitalang pinamainit na temperatura sa lungsod noong 1950’s

-- ADVERTISEMENT --