Naipadala na sa tanggapan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang ikatlong impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte ayon kay House Secretary Ge­neral Cheloy Garafil.

Ang ikatlong reklamo laban kay VP Sara ay inihain ng grupo ng mga pari, madre, civil society groups, at mga abogado noong Lunes.

Inindorso naman ito ni House Deputy Mino­rity Leader at Mamamayang Liberal (ML) Party­list Rep. Leila de Lima.

Ayon sa House Rules, ang Speaker’s Office ay mayroong 10 session days upang isama ang reklamo sa Order of Business ng plenaryo, at tatlong araw upang i-refer ito sa House Committee on Justice.

Una nang naipadala sa tanggapan ni Dy ang dalawang verified impeachment complaint na naihain laban kay VP Sara.

-- ADVERTISEMENT --