
Limang dayuhan ang naaresto sa magkakahiwalay na ikinasang operasyon ng Bureau of Immigration.
Sa ulat ng BI, nadakip ng mga operatiba ng Regional Intelligence Operations Unit sa pakikipagtulungan sa ibang ahensiya ang Nigerian national sa Dagupan City, Pangasinan na undocumented at expired na rin ang hawak na passport.
Nang sumalang na sa booking sa BI main office, nagwala ang dayuhan at inuntog ang dalwang immigration personnel kabilang ang isang nurse na nagsasagawa ng medical checks.
Samantala, apat na Chinese nationals naman ang naaresto ng mga operatiba sa Lagawe, Ifugao dahil sa kawalan ng valid passports at immigration documents.
Sumalang na ang limang naaresto sa preliminary investigation ng BI Legal Division at nananatili sa Warden Facility sa Taguig habang naghihintay ng kanilang deportation.