Hihilingin ng Commission on Elections (Comelec) sa apat na contractors na ipaliwanag ang kanilang panig sa umano’y ipinagbabawal na campaign contributions, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.
Ang usapin ay kaugnay sa mga contractor na isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr at mga senador sa maanomalyang flood control projets sa buong bansa.
Sinabi ni Garcia na nakatanggap sila ng tip na ang apat na contractor ng gobyerno ay nagbibigay ng campaign contributions sa ilang pulitiko.
Ayon kay Garcia, susulatan nila ang mga contractors na ito upang magpaliwanag.
Samantala, binanggit ni Garcia na sa ngayon, ang batas ay sa mga “natural at judicial” na campaign contributions.
Sa ngayon, inaalam pa ng Comelec kung ang liability ay maaaring umabot din sa mga kandidatong tumanggap ng kontribusyon.
Paliwanag ni Garcia, iniimbestigahan nila ang 2022 SOCE ng mga kandidato dahil sa loob lamang ng limang taon matapos ang halalan maaaring imbestigahan ang SOCE