Apat sa 10 Filipino ang suportado ang impeachment ni Vice President Sara Duterte, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa resulta ng survey na isinagawa noong Dec. 12 hanggang Dec. 18, 2024 na 41 percent ng Filpinos ang suportado ang impeachment ni Duterte, habang 35 percent ang hindi sang-ayon at 10 percent ang undecided.

Ang 5 percent naman ay nagsabi na wala silang gaanong alam sa nasabing issue.

Batay sa survey results, malakas ang panawagan para sa impeachment ni Duterte sa Luzon sa labas ng Metro Manila, kung saan 50 percent ang nagsusulong para sa kanyang pagkakatanggal sa puwesto at 25 percent ang tutol.

Sinundan ito ng Metro Manila na may 45 percent na sang-ayon sa impeachment habang 37 percent naman ang tutol.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Mindanao naman ang may pinakamalaking bilang ng mga tutol sa panawagang impeachment kay Duterte, na 56 percent habang 22 percent naman ang suportado ang nasabing hakbang.

Marami naman ang undecided sa Visayas na 24 percent, 40 percent ang sumang-ayon at 33 percent ang tutol.

Pinakamalakas naman sa Classes ABC, na may 50 percent ang sang-ayon, 34 percent ang tutol at 14 percent ang undecided sa impeachment sa socio economic classes.

Marami naman sa Class E ang tutol sa impeachment na may 36 percent, subalit ang sang-ayon ay 37 percent sa nasabing sektor at 14 percent ang undecided.