
Umaabot sa 40 katao ang nasawi at 115 ang nasugatan sa sunog sa isang bar sa ski resort sa southern Switzerland.
Ayon sa Swiss police, nangyari ang sunog sa new year celebrations sa bar na tinawag na Le Constellations sa Crans-Montana.
Hindi pa makumpirma ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, subalit isinantabi ang pag-atake.
Maraming katao na mula sa iba’t ibang bansa ang naapektohan sa trahedya.
Sinabi ni Regional police commander Frédéric Gisler na ang prayoridad nila sa susunod na mga araw ay makilala ang mga namatay upang maibalik ang kanilang mga labi sa kanilang mga pamilya.
Kaugnay nito, sinabi ng Italian Foreign Ministry na 16 na kanilang kababayan ang nawawala, at nasa 15 ang ginagamot sa ospital.
Ayon naman sa French foreign ministry, walo sa kanilang mga kababayan ang nawawala at pinaniniwalaan na kasama sila sa mga namatay sa insidente.
Sinabi ng mga opisyal ng Switzerland na hindi nila matukoy kung ilan ang eksaktong bilang ng mga tao na nasa ski resort nang mangyari ang sunog.
Inilarawan ni State councillor Stéphane Ganzer ang bar na puntahan ng mga young adults sa tuwing New Year’s Eve party.










