
Nagtagisan ng husay sa larangan ng chess ang 47 persons with disabilities (PWDs) mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan sa kauna-unahang Governor’s PWD Chess Tournament na ginanap sa Tuguegarao City.
May temang “Breaking Barriers, Making Every Move Count,” layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga PWD na maipakita ang kanilang talento at kakayahan sa chess sa kabila ng kapansanan.
Ayon kay Lester Agustin, National Arbiter and President of Cagayan Chess Development Club, bagamat 100 slots ang inilaan, 47 kalahok lamang ang nakapagparehistro.
Nanguna sa kompetisyon si Aaron Cabalza ng Tuguegarao City na nag-uwi ng ₱7,000 cash prize, trophy at certificate.
Plano namang gawing taunang aktibidad ang torneo at palawakin pa ang partisipasyon ng mga PWD sa susunod na taon.
VC Agustin










