Pinangaralan at ipinaliwanag ng mga pulis sa Florida sa isang 5-anyos na batang lalaki na ang 911 ay ginagamit lamang sa emergency.

Ito’y matapos tumawag si Manuel Beshara sa 911 para umorder ng paborito niyang pizza.

Mabilis na nagsidatingan ang tatlong pulis sa bahay ng bata at kinausap ang 15-anyos na ate nito, na siyang nag aalaga nang oras na dumating ang mga pulis.

Walang namang kaalam-alam ang ate na nakatawag na pala sa 911 ang kapatid kung kaya’t laking gulat nito nang dumating ang mga pulis sa kanilang tahanan.

Bagamat, kinausap ng mga pulis ang bata, sinunod pa rin nila ang hiling ng bata at dinalhan parin ng paboritong pizza.

-- ADVERTISEMENT --