Limang Brgy ang nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Baggao.

Ito ay kinabibilangan ng Brgy Dalin, Taytay, Dalla, San Isidro at Taguntungan.

Gayunman, hindi pa nagsasagawa ng mass culling o pagpatay sa mga alagang baboy ang Municipal Agriculture Office dahil kaya pa umanong pamahalaan ang naturang mga kaso ng ASF.

Kasunod nito ay isinailalim na rin sa blood sampling at resampling ang mga karatig barangay upang matukoy kung apektado ang mga ito ng ASF.