Limang barangay na sa Tuguegarao City ang walang aktibong kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng City Health Office, ito ay ang mga Brangay Namabbalan Sur, Centro 3, 4, 7 at 8.
Gayunman, patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan na huwag maging kampante at sundin ang minimum health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Sa pinakahuling datos, mataas pa rin ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lungsod sa bilang na 730 matapos maidagdag ang 42 nagpositibo.
Pumalo naman sa 5,329 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa lungsod simula noong nakaraang taon.
-- ADVERTISEMENT --
Kabuuang 4,516 naman ang mga pasyenteng gumaling na mula sa sakit sa lungsod habang 83 ang pumanaw.