TUGUEGARAO CITY-Negatibo na sa coronavirus disease (covid-19) ang limang confirmed cases kabilang ang mga pasyente na mula sa bayan ng Sta Ana At Tabuk City, Kalinga na 17 araw na namalagi sa Cagayan Valley Medical Center.
Una rito, napagdesisyunan ng CVMC na ipinadala ang specimen ng dalawang pasyente sa Baguio General Hospital (BGH) dahil sa tatlong beses na pagsasailalim sa swab test sa mga ito ay nagpositibo pa rin sa virus.
Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, mas mainam ang RT-PCR machine na kasalukuyang ginagamit ng Baguio General Hospital sa pag-test ng mga specimen kung ikukumpara sa geneXpert machine na ginagamit ng Department of Health (DOH)-Region 2.
Aniya, ang geneXpert machine ay hindi umano specific para sa covid-19 specimen dahil ito ay para sa pag-examine ng tuberculosis specimen ngunit dahil sa kawalan ng RT-PCR machine sa rehiyon ay ito muna ang pansamantalang ginagamit.
Kabilang din sa mga nagnegatibo sa covid-19 ay ang mga pasyente na mula sa bayan ng Enrile, Sto nino at Aurora sa probinsiya ng Isabela
Kaugnay nito, 15 confirmed cases ang kasalukuyang minomonitor sa CVMC kabilang ang 11 na mula sa Isabela at apat sa Cagayan na mula sa bayan ng Amulung, Enrile, Tuao at Cataggamman Nuevo sa lungsod ng Tuguegarao City maging ang dalawang suspected cases.
Agad namang sinundo ang pasyente na mula sa Tabuk City ng kanyang mga magulang nang malaman na siya’y negatibo na sa virus habang inaayos pa ang dokumento ng ilan pang pasyente na negatibo na rin sa covid-19.