
Limang flood control projects sa Zambales ang iniulat na nasira dahil sa mga nagdaang bagyo at epekto ng Habagat.
Kabilang sa napinsala ang San Juan Dike sa Botolan, Tanguay Slope Protection sa Cabangan at Sto. Tomas River Slope Protection sa San Narciso. May pinsala rin sa flood control structures sa San Marcelino at San Felipe.
Ayon sa PDRRMO, nakadagdag sa pagbaha sa ilang komunidad ang pagkasira ng mga istruktura, dahilan para lumikas ang ilang residente. Hinihintay pa ang opisyal na ulat ng DPWH tungkol sa halaga ng pinsala.
Samantala, napinsala rin ng baha ang ilang pasilidad at kagamitan ng Sta. Fe National High School sa San Marcelino, habang tinangay ng malakas na agos ang tulay na ginagamit ng mga estudyante.
-- ADVERTISEMENT --










