Lima ang naitalang nasawi matapos ang pananalasa ng matinding baha at malakas na ulan dahil sa shear line sa Palawan.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Jerry Alili, kabilang sa mga nasawi ang mga pasahero ng shuttle van na bumibiyahe mula Bataraza patungong Puerto Princesa City na tinangay ng malakas na baha.

Sakay umano ng van ang 12 pasahero kung saan pito ang nailigtas at nagpapagaling na sa ospital.

Sa datos, nakatanggap ang Palawan ng 341 millimeters ng ulan sa loob lamang ng 24 oras.

Ang malalakas na ulan na ito ay dulot ng shear line.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay ng malawakang baha, nasa 2,044 pamilya ang pwersahang inilikas na kasalukuyan ay tumutuloy sa mga evacuation center.