Naglabas ng Executive Order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang bigyan ng lokal na pangalan ang 131 tampok sa Kalayaan Island Group (KIG) sa Palawan at West Philippine Sea.

Inatasan ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) na gumawa at maglabas ng updated na mapa na naglalaman ng mga bagong pangalan.

Ipinag-utos din na gamitin ng lahat ng ahensya ng gobyerno, GOCCs, at mga institusyong pang-edukasyon ang mga pangalang ito sa kanilang opisyal na dokumento, komunikasyon, at mga materyales sa pagtuturo.

Ayon sa pamahalaan, layunin ng hakbang na palakasin ang pamamahala at igiit ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.