Kinumpirma ng Korte Suprema na inimbitahan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang limang senior Associate Justice nito na mag-apply bilang susunod na Punong Mahistrado, kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, kabilang sa inimbitahan sina Senior Associate Justice Marvic Leonen at Associate Justices Alfredo Benjamin Caguioa, Ramon Paul Hernando at Henri Jean Paul Inting.

Ipinaliwanag ni Ting na nakasanayan nang imbitahan ang limang pinaka-senior na Associate Justice na mag-apply bilang Chief Justice bilang pagkilala sa kanilang seniority. Kalaunan, naging polisiya na rin ito ng JBC.

Itinalaga si Gesmundo bilang Associate Justice noong 2017 at naging Chief Justice noong 2021.

-- ADVERTISEMENT --